OFWs Love and Life Stories

We are both OFW, both cheated and I got pregnant from a another guy


"Mamahalin niyo pa rin ba ang isat-isa kung pareho kayong dalawa ay nagkasala?"

Ako po pala si Joyce, isang OFW sa Taiwan. Kasama kong namasukan sa bansang ito ang aking asawa. taong 2015 ng kami ay umalis para magtrabaho. Ngunit sa hiwalay na lugar kami na punta. At siyempre sa magkaiba ng kumpanya.

Noong una ay naging maayos ang aming relasyon ng aking asawa. Nag-iipon kami ng pera para aming nagiisang anak na si Jacob, maliit pa ito ng iwan ko sa aking mga magulang. Buwanan namin kung padalhan ng sustento.

Naging abala kaming mag-asawa sa trabaho at minsanan nalang kaming magkita ng aking asawa lalo na kung tuwing dayoff ay nagbebenta  ko ng RTW. Hindi ko namamalayan na unti-unti na palang sumasaya ang asawa ko sa piling ng iba. Nalaman ko ito ng kuhanin ko ang kanyang cellphone. Sadyang bolero talaga itong asawa ko. Sa galit kong iyon ay naibato ko ang kanyang cellphone sa pader. Nabasag ang glass protector. Galit na galit itong lumayas sa tabi ko at iniwan ako sa tinutuluyan naming hotel sa Zhongli.

Lumipas ang ilang buwan ay hindi ako pinapansin ng asawa ko kaya nagdesisyon na akong lubayan siya kahit masakit para sa akin. Hindi ko naman alintana ang kanyang pag-alis sapagkat hawak ko ang kanyang ATM. Subalit sa mga sumunod na buwan ay wala ng perang pumasok sa kanyang account. 'yon pala ay pinasara niya at kumuha ng bago.

Sa galit kung iyon ay muli ko siyang tinext ng masasama. At hindi pa ako nakuntento ay inabangan ko siya sa harap ng kumpanyang pinapasukan niya. Doon mas nagpuyos pa ako sa galit ng makita ko ang aking asawa ay meron kaakbay na iba. Sinugod ko sila at sinabunutan ang babae. Kaagad naman naawat ako ng iba pa nilang kasama at dali-dali silang umiskapo at naiwan na naman akong mag-isa. Sobrang iyak ko ng mga oras na iyon, wariy ba gusto kong maghigante at iparamdam sa kanila ang sakit na nararamdaman ko.

Lumipas ang ilang buwan ay nabalitaan ko na nagbabahay na sila ng aking asawa at sa panahong iyon ay wala na akong magagawa pa. At para naman makagante ay nakuha kong makipag-boyfriend. Opo nakipag-boyfriend ako sa dating kong kaklase na siyang naging takbuhan ko tuwing ako'y may problema.

Hindi nagtaggal ay nangyari ang hindi inaasahan, nabuntis ako ng kaklase kong si Aries. Gulung-gulo ang isip ko noon kung ano gagawin ko at bakit nagawa ko ang mga bagay na iyon. Naisip ko ang anak ko at mga magulang ko.

At dahil malapit na matapos ang aking kontrata ay kinailangan ko ng ayusin ang mga gamit at dokumento para sa paguwi sa Pilipinas. At si Aries ay hindi ko kailangan pwersahin sa kanyang obligasyon dahil ito'y may asawa't anak rin sa Pilipinas, kaya hanggang doon nalang aming relasyon.

Samantala ilang araw bago ako umuwi ay nabalitaan ko sa aking mga magulang na umuwi ang aking asawa sa aming bahay at kasama ang aming anak. Magulo ang isip ko noon, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa aking magulang at sa asawa ko.

Nang nakauwi na ako sa Pilipinas ay hindi pa masyado halata ang aking tiyan dahil ito'y tatlong buwan pa lamang. Pagkarating ko ay sinalubong ako sa Airport ng aking asawa at anak. Ang asawa ko ay tahimik lang simula airport hanggang sa bahay, wari'y pinakikiramdaman niya ang aking mga sasabihin. Kaya naman tinanong ko na ito ng kunwari ay galit. "bakit umuwi ka dito at nasaan na ang kabit mo?"

"wala na kami at tuluyan ko ng iniwan, gusto ko sanang humingi ng patawad sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Mahal na mahal ko kayo ng ating anak. Kaya mas pinili kong bumalik sa piling niyo." paliwanag ni Jomar na nangingilid pa ang luha.

Hindi ko alam kong ano mararamdaman ko sa mga oras na iyon dahil ako ay meron malaking kasalanan, mas malaki pa kaysa kanyang nagawa sa akin. Hanggang sa umiyak nalang ako, at isinumbat lahat ng kanyang mga ginawa sa akin. At walang tigil ang bibig ko hanggang nasabi ko ang aking pagdadalang tao.

Nagulat ang asawa ko noon, at nagalit rin. Doon ay ipinagtapat ko na ang lahat sa kanya. Humingi rin ako ng tawad sa lahat ng aking nagawa sa kanya at sa aming anak. Hindi ko sukat akalain na yayakapin ako ng aking asawa sa kabila ng aking malaking kasalanan.

"Ang mahalaga ay mabuo natin ang ating pamilya. Mahal na mahal kita Joyce." umiiyak na sabi ni Jomar.

Sa ngayon ay masaya na kami nanirahan ng aking asawa dito sa Batangas. At tinuturing ng aking asawa na tunay niyang anak ang aming bunga ng kasalanan ni Aries.


Hanggang dito nalang at nawa ay kapulutan ng aral lalo na sa mga babae na nagtratrabaho abroad.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels