OFWs Love and Life Stories

She does not deserved my love


Matagal-tagal na ring panahon ng dumating ang isang napakasakit na tila bangungot ang dumating sa aking buhay. Mula ng ako ay napadpad sa bansang Japan upang magtrabaho bilang isang factory worker.

Ako nga pala si Richard, tubong Cebu at naging isang OFW sa bansang Japan. Sa aking pag-abroad ay naiwan ko sa Pilipinas ang aking asawa at isang anak. Actually hindi pa naman kami opisyal na mag-asawa dahil hindi pa kami kinakasal. Sa pag-alis ko ay marami kaming mga pangarap para sa hinaharap at sa anak namin.

Lumipas pa ang ilang buwan ay nagpaalam sa akin ang aking asawa na kung pwede ay payagan ko daw siya magtrabaho sa MEPZA dahil boring na daw siya sa bahay. At siyempre dahil mahal ko ang asawa ko at ayaw ko ito mabagot lang sa bahay ay pinayagan ko itong magtrabaho kahit hindi naman kailangan.

Sa kanyang pagpasok sa trabaho ay naging madalang na ang aming paguusap. Inintindi ko yon dahil alam ko ang pakiramdam ng isang factory worker na laging pagod sa trabaho lalo kung maraming gawa.

Lumipas pa ang mga buwan ay ramdam ko ang panglalamig ng asawa ko sa akin. Halos hindi na kami magka-usap sa loob ng isang araw. Kaya naman para matuwa sa akin ay binilhan ko ito ng singsing. Tinawaga ko siya upang ipakita sa kanya ang isang pares ng singsing.
"Hello, Hon, tingnan mo bumili ako ng isang pares ng singsing para pag-uwi ko ng Pilipinas ay magpapakasal na tayo at matutupad na ang isa sa mga pangarap ko para sa ating dalawa.

Sa aking pagbibida ay mukhang hindi masaya si Elsa sa mga sinabi ko. Tila ba balewala lang sa kanya ang ipinakita kong regalo.

Pero dahil mahal ko siya ay hindi ko na iyon pinansin pa at marahil ay pagod lang si Elsa sa kanyang trabaho. Mga sumunod na araw ay pinakiusapan ko ang aking kaklase na nagtratrabaho rin sa MEPZA at malapit sa kumpanya na pinapasukan ng aking asawa na kung pwede ay tingnan niya kung ano ang pinagkakaabalan ng aking asawa.

Sa mga sumunod na araw ay ipinadala ni Cris ang mga litratong may ka-holding hands ang aking asawang si Elsa. Kuha ito habang papasok sa isang restaurant. At meron pang ibang kuha si Cris na nakaangkas ang aking asawa sa motor ng lalaki. So tama nga ang hinala ko kaya pala nanlalamig na ito sa akin.

Kinagabihan ng araw ring iyon nagsend si Cris sa akin ng mga larawan ay tumawag ako sa aking asawa para komprontahin kong sino at bakit nagawa niya ang mga bagay na ito sa akin. Sa pagtawag ko sa kanyang facebook ay matagal pa itong sinagot, umabot pa yata ako ng apat na dial bago ito sinagot.

"Hello, Elsa bakit ang tagal mo sagutin ang phone? siguro may kalandian kaya siguro ang tagal mo sagutin ang mga tawag ko." galit na sabi ko sa asawa ko.

"Ano naman yang mga pinagsasabi mo. At kung magbentang ka wagas ha?" galit na sagot sa akin.
"Oo tama ka, tama ka ng narinig sa akin at tama ang bentang ko sayo na may lalaki ka. akala mo hindi ko malalaman ang mga pinaggagawa mo diyan. Eh sino itong lalaki na ka-holding hands mo papasok kau sa restaurant at kaninong itong motor na nakayakap ka pa sa lalaki habang sumasakay ng motor?" galit na tanong ko kay Elsa.

Pinadala ko sa kanyang messenger ang lahat ng pictures na nakuha ni Cris.

"O ano Elsa? Ang higpit pa ng yakap mo sa lalaking iyan." Galit ay paiyak na sabi ko sa kanya.

Hindi nakasagot pa si Elsa sa mga paratang ko sa kanya.

"Alam mo ba sayang itong singsing na binili ko para sa atin. At hindi ka deserving na babae para makasama ko habang buhay. Sinayang mo lang ang mga pangarap, pangako natin sa isat-isa at para sa anak natin." sumbat ko kay Elsa.

Noong mga oras na iyon ay hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang mga luha ko dahil sobrang sakit na nararamdaman ko. Lahat ng masasakit na bagay ay sinabi ko na kay Elsa upang iparamdam sa kanya ang sakit na nararamdaman ko.

Sa aming pag-uusap ng gabi na iyon ay sinabi ko sa kanya na ito na ang huling gabi na makakausap niya at kahit kailan ay hindi na ito makakatanggap na pera mula sa akin. At dahil nangungupahan lang kami sa may Lapu-lapu ay minabuti kong paki-usapan ang aking magulang na kunin ang anak namin sa poder ni Elsa.

Wala rin nagawa si Elsa ng kunin ang anak namin sa kanya dahil malakas ang aking ebedensya ng kanyang pangangaliwa. Oo hindi kami kasal pero ang trauma na iniwan niya sa bata ay matindi dahil napag-alaman kung pumupunta pala ang lalaki sa aming apartment halos lingo-lingo which is masama para sa bata na makita ang nanay niya na may kasamang ibang lalaki na hindi naman ama.

Sa ngayon ay nandito na ako sa Cebu at nagtayo na rin ako ng isang maliit na negosyo sa aming Lugar sa Argao, Cebu. At kay Elsa ay wala na akong balita pa dahil hindi na ito nakuhang bumisita pa sa aming anak mula ng kunin ko ito sa kanya.

Hanggang dito nalang po ang aking kwento.

Lubos na gumagalang,
Richard
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels