OFWs Love and Life Stories

My wife has left after I was caught cheating on her


Hi ako nga pala si Joey nais kong ibahagi ang aking kwento buhay at pag-big sa inyong page na OFW Care. Isa po akong Seaman at habang sinusulat ko itong liham ay kasalukyan po ako nasa laot patungo kami ng Amsterdam. Nais ko ibahagi ang kwento ng aking buhay ng sa ganun ay mkapulutan sana ng aral ang aking kwento.

Taong 2011 ng ako'y ng makasampa ako sa barko. Bago pa man ako makaalis ay samot-saring mga dokumento ang nilalakad ko sa may Kalaw sa Maynila. At dahil nakatira kami sa probinsya sa Cebu ay madalas ko maiwan ang aking asawa at isang anak. Hanggang sa tuluyan na ako makasampa ng barko.
Noong unang mga buwan ay naging mahirap ang aking trabaho sapagkat kahit graduate ka pa Seaman ay ilalagay ka pa rin sa mababang pwesto, ika nila tiktik kalawang. Ganun ang aking naging trabaho sa dalawang buwan hanggang inilipat na ako sa ibang pwesto na mas gumaan. Tanker na barko ang aking napuntahan kaya naman bihira lang makakita ng babae at sa tuwing magdiskarga lang kami ng produkto. Napakaraming mga tukso sa tuwing kami ay dadaong sa mga pantalan, nandiyan ang mga babaeng aakyat sa aming barko upang magbigay aliw. At dahil isa-isa kami ng Cabin ay malayang nakakapagdala ang aming kasamang ibang lahi sa kanilang kwarto. At doon nagpaparaos upang maibsan ang pangungulila sa pamilya.
Ako naman dahil baguhan at iniisip ko pa rin ang aking asawa't at anak ay hindi ko makuhang magloko. Hanggang tingin nalang ako sa aking mga kasama, kahit madalas ako nilang tuksuhin ngunit hindi ako nagpapadala sa mga bagay na iyon.

Lumipas pa ang ilang buwan ay nahumaling naman ako sa social media dahil iyon lang naman ang nagiging madalas kong libangan, lalo na ang facebook. Hanggang hindi ko na namamalayan na nagkakaroon ng ako ng chatmate sa facebook. Nakachat ko ang isang Pinay na nagtratrabaho noon sa Hong Kong bilang isang domestic Helper. Naging madalas ang aming chat noon hanggang nakapalagayan ko na siya ng loob.
Nagkataon naman ng mga sumunod na buwan ay sa Hong Kong ang aming destinasyon at ilang araw rin kami doon ayon sa aming kapitan kaya naman ibinalita ko ito kay Rose. Nagset kami ng time kung ano araw kami magkikita. At noong mga panahong din iyon ay nagtataka na ang aking asawang si Gina kung bakit ganun nalang ako kadalang magtext sa kanya.

Dumating na ang araw nag mag-dock kami sa Hong Kong, doon ay natupad ang aming plano ni Rose. At sa hindi namin inaasahang bugso ng aming damdamin ay merong nangyari sa amin. Ilang beses yun habang kami ay nasa Hong Kong pa. Naging masaya sa amin ang mga tagpong iyon at binaon ko hanggang sa pag-alis ng aming barko.

Sa mga panahong iyon ay hindi ko pa rin inaamin kay Rose na may asawa't anak ako dahil bata pa nman ako noon at nasa edad 24 kaya naman madali ko ito mapaniwala na binata talaga ako. Nasanay na ako sa ganong set-up namin araw-araw at palagi ko rin namang tinetext ang asawa ko at siyempre naging kampante na rin ito na wala talaga akong babae sapagkat nasa barko ako at wala naman kaming kasamang babae kundi barako lahat.

Isang tanghali ay kinumusta ako ni Rose, at dahil magkasunod lang ang pangalan niya ng asawa ko sa inbox ng aking facebook ay hindi ko napansin na sa asawa ko pala na send ang text na "ok lang ako Hon." Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na iyon, kung ano palusot gagawin ko. At maya-maya nga ay nakatanggap ako ng sandamakmak ng mga messages mula sa asawa at galit na galit, at tinatanong sa akin kung sino si Hon, kasi ang tawagan namin mag-asawa ay Love.

Marami akong naging alibi sa mga oras na iyon at medyo naniwala naman siya sa akin pero andun pa rin ang duda niya sa akin. Hanggang napansin ko ang asawa ko ay naging madalang na magtext sa akin at naging madalas naman ang aming pag-aaway. Selos ang madalas namin pag-awayan, dahil kung sa pera ay 70 percent ng aking sahod ay direktang pumasok sa atm na hawak niya.

At dahil nga hawak niya ang atm namin ay nalaman ko nalang sa aking byenan na umalis ito papuntang Manila upang magtrabaho at nababagot na daw ito sa bahay. Hindi ako nasabihan ni Gina sa mga bagay na iyon. At dahil ako naman ang mali ay hinayaan ko na siya kanyang mga gusto. Dalawang buwan nalang ako sa barko at baba na ako. Pero hindi pa rin kami nagkaayos ni Gina.

Isang araw may isang babae na nagmessage sa akin, close friend daw siya ni Gina at tumutuloy ito sa kanyang bahay. At meron siyang sikretong ibinunyag sa akin. Ayon kay Lani ang aking asawa ay may kinakatagpong iba at madalas magkita ng lalaki. Naging customer daw ito nila sa pinapasukan nilang trabaho. Galit na galit ako ng malaman ko ang mga bagay na iyon. Kinausap ko ang kanyang mga magulang sa mga bagay na iyon. Subalit wala daw silang magagawa dahil matigas ang ulo  ng anak nila. Nagkaroon din ng pagkakataon na nagkausap kami ni Gina sa pamamagitan ng viber at dun ay ipinagtapat niya ang lahat. At ayon sa kanya ayaw na daw niya sa akin dahil isa akong manloloko at bilang ganti sa ginawa ko ay nagawa na raw niyang sumama sa lalaking mas mabait at maaruga kaysa sa akin.

Nakuha ko putulin ang sustento sa aming anak at nag-request ako sa agency na huwag nang hulugan ang atm ng mapilitan siyang bumalik sa akin. Ngunit sa kabila ng mga ginawa kong hakbang ay tuluyan ng hindi bumalik sa akin si Gina.

Nagsisi ako sa nagawa ko sa asawa ko dahil lang sa kalandian ginawa ko ay nawasak ang isang masaya sanang pamilya. Sa ngayon ay namumuhay nalang ako mag-isa at nagtratrabaho para aking anak. Wala na rin kami ni Rose, ang balita ko ay nakauwi na ito ng Pilipinas kasama ang kanyang pamilya. 
Hanggang dito nalang sana kapulutan ng aral ang kwento ng aking buhay.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels