OFWs Love and Life Stories

My wife has become a gambler while I was working abroad


Dahil sa kahirapan ng buhay at pangarap na umasenso ay napilitan akong mangibang bansa, para naman mabago ang buhay na nakagisnan na ng aking asawa. Laking eskwater po ang aking asawa at ako naman ay laking probinsya at salat sa hirap rin.

Taong 2004 ng magkakilala kami ni Bridget, magka-trahaho kami sa isang restaurant sa may Caloocan. Sa unang sulyap ko palang kay Bridget ay alam kong may pagtingin na ako sa kanya dahil sa ganda ng morena niyang kulay at mala inosenteng mukha. Dahan-dahan ko niligawan si Bridget at hindi nagtaggal ay naging GF ko na siya.

Madalas natutulog si Bridget sa aking apartment, isang maliit lang na kwarto na kaasya ang dalawang tao. Sa kwartong iyon ay  madalas mangyari ang aming masasayang mga oras. Hanggang makalipas ang ilang buwan ay hindi na dinatnan si Bridget. Ipinagtapat niya sa akin na dalawang buwan na siyang buntis. Wala na kaming magawa sa mga oras na iyon kung hindi harapin nalang ang darating na grasya.

Kaagad naman akong bumisita sa bahay ng kanyang mga magulang upang pormal na hingin ang basbas at ipaalam na rin sa kanila ang ipinagbubuntis ng anak nila. Noong una ay nagalit sa akin ang ama ni Bridget, bagay na tinanggap ko dahil kasalanan ko naman. Pero dahil sa aking sinsiridad ay napapayag ko naman ang kanyang mga magulang ngunit may kondisyon ito. Ang kanyang kondisyon ay habang buntis ang kanilang anak ay titira kami sa bahay nila. Pumayag naman ako sitwasyon na iyon dahil hirap rin naman doon sa aking apartment. Pero hindi rin naman kalakihan ang bahay nila at nasa eskwaters ito kaya ang ingay at baho ay nasa paligid lang.

Bago pa man manganak si Bridget ay ipinakasal kami ng kanyang mga magulang sa City Hall, wala ni isang kamag-anak ko ang dumating dahil kapos ito sa pamasahe mula sa Cagayan. Naging maayos naman ang naging okasyon na iyon at malugod akong tinanggap ng kanilang pamilya.

Hindi nagtagal ay nagpasya akong mangibang bansa dahil sa kakarampot lang kita ko bilang service crew at isa pa ay dalawa na ang binubuhay ko. Agad naman pumayag ang aking asawa. Napapad ako sa Macau bilang isang waiter. Naging maganda ang pinapasukan kong trabaho at minsan ay nakakatanggap ako ng malaking tip sa mga customer.

Lumipas ang buwan at taon ay sige pa rin ang aking kayod sa Macau. Naipaayos na rin  namin ang bahay nila sa eskwater at lumaki na rin ang espasyo namin sa bahay nila. Sa paglipas ng mga taon ay pansin kong naging maluho ang aking asawa. At kita ko rin online ang mga withdrawal na ginagawa niya sa aking bank account. Agad ko namang tinanong si Bridget, subalit galit pa ito sa akin.

Minsan ay tumawag ako sa kanya upang kumustahin ang sumagot ng telepono niya ay ang pamangkin niya. Ipinakita sa video call ng pamangkin niya sa akin kung ano ginagwa ng asawa ko. Kitang-kita ko na kaharap niya ang kanyang mga amega at nagsusugal ng tongits. Agad naman inabot ng pamangkin niya ang cellphone kay Bridget at galit pa ito sa pamangkin niya dahil sa pangingialam. Agad ko naman siyang kinumpronta sa kanyang

"Hay naku Rico, ano ka ba barya lang to, saka pampalipas lang ng oras." bulalas ni Bridget.

Hinayaan ko na siya sa mga oras na iyon. Hanggat hindi ko namamalayang naging adik na sa sugal ang asawa ko dahil halos masaid na ang aming bank account. Kaya naman nagpasya na akong umuwi ng Pilipinas dahil napapariwara na aking asawa.

Pagkadating ko sa kanilang bahay ay pinagalitan pa ako kung bakit daw ako umuwi, ano na daw ang kakainin namin. Bagay na ikinasama ng loob ko. At kahit nariyan na ako sa bahay nila ay tuloy pa rin araw-araw ang sugal kaya naman kinausap ko na ang kanyang mga magulang na uuwi muna ako ng probinsya at isasama ko ang aming anak. Hindi naman umalma pa ang kanyang mga magulang dahil alam nila na malaki ang kasalanan ng kanilang anak.

Nagkaroon ng agawa ng anak sa pagitan namin ni Bridget pero pinigilan siya ng kanyang mga magulang kaya naman tuluyan na kaming nakalayo ng anak ko sa eskwater na iyon. Ngunit lumipas pa ang ilang buwan ay walang Bridget na sumunod sa amin sa probinsya.

Kaya hinayaan ko nalang ang mga iyon. At kinumusta ko naman siya sa kanyang mga magulang, andun daw sama-sama sa mga barkada niya. Naging masakit para sa akin ang mga pangyayari dahil akala ko noon ay magkakaroon na ako ng isang masayang pamilya ngunit kabaliktaran pala. Siguro ay hindi pa nagsasawa sa pagkadalaga ang aking asawa dahil dise-19 palang ito ng kami ay magsama.

Sa ngayon ay ginugol ko nalang ang sarili ko sa pagsasaka ng aming palayan at masaya naman ako dahil kasama ko ang aking anak.

Hanggang dito nalang po.

Lubos na gumagalang,
Rico
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels