OFWs Love and Life Stories

My wife and my brother had cheated me


Hi tawagin niyo nalang po ako sa pangalang Jessie, isa po akong Seaman at 
kasalukuyang nasa karagatan habang sinusulat ko ang liham na ito. Maganda ang 
panahon ngayon at natatanaw ko lang mula sa malayo ay walang hanggang karagatan at
ang asul na langit na tila napakapayapa ng panahon. Hindi tulad ng aking buhay pag-ibig
na naging masalimoot dahil sa samot-saring problemang aking napagdaanan.

Pangalawang sampa ko na sa barko noon ng mangyari ang hindi ko lubos maisip na
mangyayari pala ito sa totoong buhay. Sa aking aking pagsampa sa barko ay naiwan ko
ang asawa kong si Hazel at aming maliit pang anak na si Xian. At dahil pangalawang
sampa ko na ng barko ay nakabili kami ng bahay sa may Antipolo kaya naman ay doon
nanirahan ang aking mag-ina.

Sa tuwing Sabado at Linggo ay pinapapasyalan ko sa kapatid kong si Jason ang aking
mag-ina. At sakto naman dahil binata pa naman at walang asawa ang kapatid ko at nasa
Metro Manila lang kaya marami itong oras na dalawin ang mag-ina ko. Noong una ko rin 
sampa sa barko ay palaging nauutusan kong nauutusan si Jason na bisitahin ang aking
mag-ina tuwing dayoff niya kaya naman hindi na ako nangamba pa sa kanila.
At sa pangalawang sampa ko ng barko ay marami akong pangarap para sa aking 
pamilya. Kampante naman ako sa asawa ko dahil magaling itong maghawak ng pera, sa
katunayan nga ay nakabili kami ng isang sasakyan na gamit namin pang-araw araw at
konting negosyo sa online. At si Jason naman ay madalas nasa bahay ayon sa asawa ko
tuwing dayoff at lagi daw kalaro ang anak namin, bagay na nagbigay kampante sa akin.
Isang araw ay nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa hindi ko kilalang facebook
account.

"Hi kuya, ako pala si Agnes ang GF ng kapatid mong si Jason. Kuya huwag po sana
kayong mabibigla. Nahalungkat ko lang po itong mga pictures at video mula sa cellphone
niya. At dahil lasing siya ng time na yun kaya nakuha kong halungkatin ang kanyang
cellphone dahil nagdududa na ako sa  mga ginagawa niya. Madalas na po siyang absent
sa trabaho at wala sa mood pagkasama kami. Kaya po nagimbestiga na ako at ito ang
bumungad sa akin."

bumungad sa akin ang maraming sweet na larawan ng kapatid kong si Jason at ang aking
asawa. Meron pa silang video na naghaharutan sa loob ng aming kwarto. Hindi ko alam
ang aking gagawin sa mga oras na iyon kundi galit at paghihigante ang nais kong
mangyari. Naisip ko na rin tumalon sa barko. Pero minabuti ko na harapin ang lahat ng
pagsubok na ito.

Nasa kalagitnaan palang ako ng aking kontrata at hindi ko pa kinokompronta ang kapatid
ko at ang asawa ko ng magpasya akong umuwi ng Pilipinas. Saktong Sabado noon at
malamang ay nasa Antipolo ang aking kapatid. Hapon na ng makarating ako sa NAIA,
nandoon ang aking kaba dahil hindi ko alam kong ano madadatnan ko at kung ano ang
susunod na mangyayari sa gagawin naming komprontahan.

At magtatakip silim na ng dumating ako sa lugar namin sa Antipolo, pagbaba ko palang
sa sasakyan at kitang ko sa labas ng aming bahay si Jason at ang aking asawa ay
makatabi sa sala habang kalaro ang aming anak. At dahil may susi ako ng bahay namin
ay dumaan ako sa likuran ng aming bahay papasok sa aming kusina, bagay na hindi
napansin nila. Nang ako ay makapasok sa kusina ay minabuti ko kalmahin ang aking
sarili at umupo sa hapag kainan sa kusina. Maya-maya pa ay biglang pumasok ang
asawa ko sa kusina. Nanlaki ang mga mata nito, tila ba'y nakakita ng multo. 
"Buhay pa ko Hazel bakit nagawa niyo itong dalawa sa akin?" bulalas ko
"Ang alin?" pagsisinungaling sagot ng asawa ko.

"Wala na kayong maitatago sa akin dahil alam ko na ang lahat." sumbat ko sa asawa ko.
Maya-maya pa ay pumasok rin sa kusina ang kapatid kong si Jason dahil naulinigan niya
na may nagtatalo sa kusina. Kaagad ko namang inambahan ng suntok at tadyak si 
Jason. Nagmamakaawa noon ang dalawa sa akin, halos nandilim ang paningin ko ng mga
oras na iyon kaya halos walang patid ang aking tadyak at suntok sa kapatid ko at kaliwa't
kanang sampal ang inabot ng asawa ko sa akin.

Natigilan lang ako sa aking ginagawa ng dumating ang aming maliit na anak sa kusina.
Doon ay kinuha ko ang aking anak at niyakap. Walang salita ang nasambit ko sa anak ko
noong mga oras na iyon kundi iyak at hinagpis dahil sa sinapit naming mag-ama. Kaagad
naman nakatakbo papalayo si Jason habang kayakap ko ang anak ko. Hindi ko na rin
hinabol ang aking kapatid dahil naiwan naman si Hazel. Habang kayakap ko ang anak ko
ay nakita kong may tumutulong mga dugo mula sa asawa ko kaya naman sa takot ko ay
minarapat ko na siyang dalhin sa ospital dahil nawalan na rin ito ng malay.

Ilang oras bago ko ito madala sa ospital ay tinawag ako ng doktor, inusisa ang mga pasa
pero hindi ko na binanggit pa kung bakit nagkaganun ang aking asawa.

"Congrats daddy, two months pong buntis ang asawa mo." bati ng doktor sa akin.

Muling natigilan ako, wari'y bang pinaglalaruan ako ng tadhana. Para akong 
pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko at ano
gagawin ko sa mga oras na iyon. Umalis ako ng ospital dala ang anak ko at nagpalipas
kami sa isang hotel.

Kinabukasan ay nagpasya na akong puntahan ang asawa ko sa ospital at upang 
kausapin siya na umalis na ito sa bahay at sumama na siya kay Jason at kami naman ng
anak ko ang titira sa bahay. Pagkalabas niya ng ospital ay nakuha pa ito magmakaawa
sa akin at ilang beses na lumuhod ngunit sadyang naging manhid na ang aking puso.
Pinalayas ko sa aming pamamahay ang aking asawa. Tanging dala lang niya ng umalis
ito sa bahay ay ang kanyang mga damit.

Huling balita ko sa asawa ko ay umuwi ito sa kanilang probinsya sa Zambales, at balita
ko rin sinundan ito ng kapatid kong si Jason at nagsasama silang dalawa. Ako naman ay
binenta ko ang aming bahay sa Antipolo at iniwan ko muna ang aking anak sa 
pangangalaga ng aking magulang. Hindi rin mababawi ni Hazel ang bata dahil sa papeles
mula sa korte na bawal galawin o kunin ng asawa ko ang anak ko sa poder ko.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pakikibaka ng aking buhay kahit na napilayan ang isa sa
mga pakpak ko ay taas noo ko pa rin haharapin ang bukas alang-alang sa anak ko.

Nagmamahal,
Jessie
Share:

1 comment:

Popular Posts

Labels