OFWs Love and Life Stories

My unforgettable stories


Labing pitong taon na ang nakalilipas ngunit sariwa pa rin sa aking isipan kung paano
hinarang at nilimas ang dala naming pera mula sa pagtitinda namin ng isda.At hindi lang
yun ang ginawa sa amin.

Ako nga pala sa Ester, tubong Bukidnon. Dahil sa kahirapan ay nagpasya kaming mag- 
asawa na mamasukan sa ibang bansa. Nakuha ako bilang katulong sa isang bahay at
ang asawa ko naman ay isang Hardenero sa bansang Malaysia sa tulong ng aming
pinsan na nakapangasawa na ng isang Malaysian National. Halos limang taon kaming
namasukan sa mansion iyon at naging maayos naman ang aming paninilbihan at
Makalipas ang limang taon ay nagpasya na kami ng aking asawa na umuwi sa Pilipinas
sapagkat lumaki na ang aming dalawang anak na nasa pangangalaga ng aking mga
magulang. Sa panahon ng aming pamamalagi sa Malaysia ay unti-unti kaming
nakapagpatayo ng bahay at dahil nasa liblib kaming barangay ay naisipan naming mag-
asawa na magtinda ng isda gamit ang naipon naming pera.

Bumili kami ng isang second hand na sasakyan para paglagyan ng isda na aming ilalako
sa bawat barangay na malapit sa amin. Sa aming nasimulang negosyo ay naging mabilis
ang pagbalik ng pera sa amin. Halos araw-araw kami kung maglako ng isda ng asawa ko
kaya naman malaki ang aming kinikita. Mas lalo pa naming napalakihan ang aming
munting bahay at napag-aaral na namin ng maayos ang aming mga anak.
Sabado noon ng madaling araw at binabagtas namin ang daan patungong bayan upang
kumuha ng aming mga paninda sa bagsakan ng isda ng bigla kaming harangin ng mga
armadong tao. May mga mahahabang armas itong dala at naka-bonet pa ang mga
mukha.

"Igawas ang inyong kwarta?" ito ang pasigaw na sabi ng isang nakabonet na may tutuk
na baril sa asawa kong si Ernie.
Naginginig ako noon sa takot dahil nasa sampu katao ang nakapaligid sa aming
sasakyan. Naging matigas noon ang aking asawa at hindi at sinagot sagot ang mga
armadong grupo, bagay na ikinagalit nila, maya-maya pa ay umalingawngaw ang isang
putok ng baril. Kita kong paano binaril sa hita ang aking asawa kaya naman napilitan na
kaming ibigay lahat ng dala naming pera ng mga oras na iyon.
Kaagad naman sumibat ang mga armadong grupo at naiwan kaming mag-asawa na halos
nanginginig sa takot. Lalo pa akong natakot ng makita kong hindi tumitigil ang pagdurugo
sa hita ng aking asawa. Sakto naman na may dumaang isang truck at nakahingi ako ng
saklolo kaya naman ay naitakbo namin sa ospital ang aking asawa. At pagkasugod sa
ospital ay iniwan ko muna ang aking asawa upang ipagbigay sa mga pulis ang nangyaring
insidente sa amin.

At matapos ang imbestigasyon ay bumalik na ako sa ospital upang kumustahin ang lagay
ng aking asawa. Subalit pagkapasok ko palang ng ospital ay tinawag agad ako ng doktor.
doon ay ipinagtapat sa akin ng doktor na kailangan ko daw pumirma sa isang waiver
upang masimulan na nila ang pagputol ng kaliwang paa ng aking asawa sapagkat lubha
daw itong natamaan at wala ng pag-asa pang magamot dahil kakalat lang ang impeksyon.
Para akong nanlamig at nanghina sa  mga oras na iyon, hindi ko alam kong ano ang
gagawin ko. Subalit nakikita ko ang asawa ko na hirap na hirap na ito sa kanyang
kalagayan. Kaya naman natuloy ang pagputol ng kaliwang paa ng aking asawa.
Gabi na ng nagkaroon ng malay si Ernie.

"Ester kumusta ka, ang mga bata nasaan." tanong ni Ernie
Hindi pa maramdaman ni Ernie ng mga oras na iyon na wala na ang kanyang kaliwang
paa. At maya-maya pay ay, "bakit wala akong maramdaman sa aking mga paa? bakit
parang...?" umiiyak na sabi ng asawa ko.

Niyakap ko ito ng mahigpit habang umiiyak kaming dalawa habang ipinapaliwanag ko sa
kanya ang lahat.Makalipas ang ilang araw ay nakalabas na kami ng ospital at halos
walang imik ang aking asawa habang tinutulak ko ang kanyang wheelchair.
Lumipas pa ang mga Linggo ay naging bugnutin ang aking asawa bagay na lubos kong iniintindi dahil sa kanyang kalagayan. Pero dahil sa tulong ni Pastor Lito ay unti-unting natanggap ni Ernie ang kanyang kalagayan. At para hindi na siya maburyong ay nagtayo kami ng isang maliit na tindahan para may pagkaabalahan kaming magsawa.

Sa ngayon ay hindi pa rin kami sumusuko sa aming paniniwala at unti-unti na rin lumaki ang tindahan namin. Sa mga armadong grupo naman ay diyos na ang bahala sa kanila maningil. Hanggang dito nalang po.

Lubos na gumagalang,
Ester
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels