OFWs Love and Life Stories

My fellow OFW next door has pregnant me as my husband goes on work at night


"Nabuntis po ako ng isang OFW na nakatira sa kabilang kwarto."

Ako si Melisa dating OFW sa bansang South Korea, taong 2012 ng sumunod ako sa aking asawa sa South Korea at namasukan ako sa parehong kumpanya ng asawa ko. Naging maayos naman ang mga naunang buwan namin. At palagi kaming nagpapadala ng suporta sa aming anak sa Pilipinas.
At dahil malaki rin ang sahod sa South Korea ay madali kaming nakapagpundar ng bahay at sasakyan. Mas maraming nabibiling gamit ang asawa ko sa akin kahit na nasa akin ang kanyang atm. Masasabi kong maswerte talaga ako sa asawa ko dhail napakasinop pagdating sa pera. Damit,sapatos,gadgets at alahas ay meron siya. Kaya naman tinanong ko na kung paano niya nabibili ang mga ganong bagay sapagkat tama lang naman ang binibigay niyang pera. Sagot niya sa akin ay tamang diskarte lang sa pag-iipon kaya nabibili niya ang mga bagay na iyon.

Lumipas ang ilang buwan ay nalipat ang aking asawa sa panggabi, hindi ko naman alintana ang lungkot sa aming apartment dahil ang katabi naming mga kwarto ay kapwa Pilipino rin na  may kanya-kanyang partner. Nakilala ko si Nilo katabi mismo ng kwarto namin at madalas rin itong mag-isa sa kanyang kwarto dahil ang kanyang girlfriend ay pang gabi sa trabaho. Sa dakong sulok naman ng apartment ay isang bakla si Daniel pero mas mataas ang posisyon sa kumpanyang aming pinapasukan, mabait naman ito, at madalas itong magtambay sa aming bahay. At aniya ay swerte raw ako sa asawa ko dahil mabait at higit sa lahat gwapo at may katangkaran.

Samantala madalas akong bigyan ng lutong ulam ni Nilo noon, ako naman ay bihira lang magluto at madalas ay bumibili lang ng pagkain sa labas. Masarap magluto si Nilo kaya naman madalas ko itong biruin na mag-asawa na siya at pakasalan na niya ang kanyang kasintahan. Naging madalas aming kwentuhan ni Nilo lalo na sa gabi at wala ako makasama sa kwarto. Nalaman ko rin na bago palang sila ng kanyang girlfriend dahil iniwan umano siya ng dating girlfriend at sumama sa ibang lalaki.

Hindi ko namamalayan sa madalas naming kwentuhan ni Nilo ay mahuhulog ang loob ko sa kanya. Hanggang sa hindi na napigilan namin ang aming mga damdamin, ang minsan na may nangyari sa amin ay nasundan pa ng maraming beses, bagay na ikinatatakot ko baka malaman ng asawa ko.
Lumipas ang mga buwan ay tuloy pa rin ang naging relasyon namin ni Nilo. Ang aking asawa namang si Gab ay bihira lang kaming magsiping lalo panggabi siya at laging may overtime. Kaya madalas mapunuan ni Nilo ang aking gabing pangungulila.

Isang araw ay nagpaalam ako kay Gab at dahil dayoff ko iyon ng dalawang araw, nagpaalam ako na pupunta muna ako sa aking pinsan sa Incheon, agad naman itong pumayag. Subalit ng ako'y nasa malapit na sa Incheon ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking pinsan. Nanghingi ng paumanhin dahil tinext daw siya ng kanyang amo na kung maari ay pumasok ito sa trabaho. Wala akong magawa sa mga oras na iyon, kaya sabi ko sa pinsan ko ay magkita nalang ulit kami sa susunod na Linggo.

Nagpasya nalang ako bumalik sa aparment na aming tinutuluyan, medyo may kalayuan rin. At dahil magtatanghali palang noon sigurado ako sa pagbalik ko ay gising pa ang asawa ko. Kaya naman dali-dali na akong umuwi para maabutan ko pa siya. Bandang alas 2 na ako ng hapon ng makarating sa harap ng aming apartment. Dahan-dahan ko naman binuksan ang pintuan ng aming kwarto para surpresahin ang aking asawa.

Sa pagbukas ko ng pintuan ng aming kwarto ay imbes na siya ang surpresahin ko ay ako pa ang nasurpresa, dahil tumambad sa akin si Gab at Nilo hubo't-hubad. Pahampas kong sinara ang pintuan ng kwarto at galit akong kinompronta ang ginagawa nilang kalaswaan.
"kaya pala Gab, Kaya pala ang dami mong mga bagong damit,gadget, alahas dahil dito sa bakla na 'to? galit na sabi ko.

"At ikaw naman bakla, kaya pala sabi mo na swerte ako dahil matangakat,gwapo yung asawa ko. Yun pala ginagapang mo." sumbat ko sa kanya.
Hindi ko maatim ang mga bagay na iyon. Matapos ko masaksihan ang iskandalo na iyon ay nagkusang umalis si Gab sa aming apartment, hindi na kami nag-usap pa ng mga araw na iyon. At bakla naman si Daniel ay ilang linggo matapos matuklasan ko ang mga bagay na iyon ay lumipat na rin ng apartment.
Madalas ang pag-iyak ko noon sa aming apartment at naging madalas na rin ang punta ni Nilo sa aming kwarto kaya hindi nagtagal ay nagbunga ang aming ginagawang kasalanan.Ipinagtapat ko ito kay Nilo at malugod naman niyang tinanggap ang pagbubuntis niya at aniya ay nakahanda naman siyang suportahan ang bata.

Naging ganun nalang ang aming usapan ni Nilo at sa ngayon ay kasama pa rin niya ang kanyang girlfriend. At samantala ako naman ay umuwi na sa Pilipinas upang dito nalang manganak. At kung tungkol naman sa asawa ko, ayon samuma kay Daniel. At balita ko ay may sarili na silang condo sa Manila.
Hanggang dito nalang po at maraming salamat sa inyong tiyaga sa pagbabasa ng kwento ng aking buhay.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels