OFWs Love and Life Stories

I experience "Extra Human touch" during my imprisonment in Saudi


Akala ko noon katapusan ko na, akala ko noon wala na akong pag-asa makauwi ng Pilipinas matapos akong mabilanggo ng halos 10 taon sa Saudi.

Taong 1983 ng ako ay mapadpad sa Saudi upang magtrabaho isang parlorista. Uso pa ang parlor noong mga panahong iyon, hindi pa uso ang mga salon. At dahil hindi ako nakatapos ng High School kaya naman kinagat ko na ang alok sa akin ng isang ahente sa aking pinapasukang parlor sa Manila.

"Hoy Ernie di ba magaling ka magupit at alam mo ba nangngailangan ang agency ng limang beautician kaya 'Day pasok ka for sure." bungad sa akin ng ahente.

Hindi na ako nagatubili pa sa mga oras na iyon dahil gusto ko rin naman matulungan ang aking magulang at mga kapatid dahil hikahos ang aming buhay sa probinsya ng Sorsogon.

Nakapagtrabaho ako sa Saudi taong 1983 at napadpad ako sa isang parlor kung saan meron rin mga naunang mga Pilipino at dahil mahigpit ang gobyerno ng Saudi pagdating sa kasarian ay lagi akong maingat sa aking mga kilos at postura para hindi nila mahalata ang aking pagkatao. Sa unang araw ko palang ng pagugupit ay iba't-ibang lahi ang aking nahahawakan at syempre mga arabo ay meron din mga gwapo bagay nagpapasaya sa akin at nagpapagaan ng aking trabaho.

Lumipas ang ilang buwan ay naging close ko ang mga ka-trabaho ko sa parlor, lima aking mga trabahante at tatlo dito ay bakla at dalawa naman ay lalaki talaga at may asawa sa Pilipinas. At dahil bawal ang alak at pagpaparty sa Saudi ay minsan gumagawa kami ng paraan para makapag-inom at konting sayaw sayaw sa aming apartment. Nandoon na rin ang ginagawa nilang malalaswang bagay lalo pa ang dalawang lalaki kasama namin sa trabaho ay pumatol na sa dalawang bakla na katrabaho ko. Ginagawa nila ang ginagawa ng magsyota. Hindi ko na pinansin ang mga bagay na iyon dahil para sa akin ay normal nalang ang mga ito lalo na bawal sa Saudi ang maki-apid kundi may kalalagyan ka talaga.

Lumipas pa ang ilang buwan ay meron akong naging isang masugid na customer isa tong Bangladesh national, may kagwapuhan rin matangkad at maitim pero bagay sa kanya ang  kulay sa pangangatawan niya. Naging madalas itong magtambay sa aming parlor hanggang sa may nangyayari na sa amin. Hindi ko maipagkakaila na malaki talaga ang hinaharap nila. Naging masaya ako sa mga lumipas na buwan sa ganung set-up ng aking buhay ngunit hindi ko rin namamalayan na sa aking pagkakahumaling sa kanya ay nauubos na ang pera ko sa kabibigay sa kanya at paunti ng paunti nalang nang naipapadala ko sa aking magulang.

Malapit ng matapos ang dalawang taong kontrata ko sa Saudi ngunit halos wala akong naipon kaya naman nakuha kong mag-TNT, nagpalipat-lipat ako ng aking pinapasukan hanggang isang araw ay nabulaga nalang kami sa loob ng parlor ng dumating ang ilang awtoridad at hinanapan kami ng mga dokumento. At dahil wala akong maipakitang dokumento ay agad akong dinampot at dinala sa presinto. At noong mga panahong iyon ay hindi pa uso ang facebook o kung ano mang mga social media para sa sana makahingi ng tulong sa ating embahada.

Kabado ako sa mga una kong araw sa kulungan, marami akong nakita mga kapwa Pinoy na nakakulong rin, may nakita rin ako nilalatigo at kung-anu-anong mga parusa ipinapataw nila sa mga nandoon. Sa loob ng kulungan ay may ibat-bang lahi at napasama ako sa mga nakakulong na arabo kaya naman halos gabi-gabi nila akong pagsamantalahan. Hindi naman naging mahirap para sa akin ang pagsamantalahan ako dahil mas lalo akong nag-eenjoy sa mga pinapagawa nila sa akin dahil ang lalaki ng mga nakikita ko at nahahawakan.

Sinumbong ako sa pamunuan ng kulungan at nalaman nila na ganun ang ginagawa ko at ganon rin ang kasarian ko kaya naman muli akong nilipat sa isa pang malaking kulungan, lalo humaba ang aking sentensya dahil sa mga bagay na iyon.

Mula noong napadpad ako sa malaking kulungan ay naging paborito akong tawagin ni Hamod, siya ang leader sa selda namin, marami rin kaming mga kasamang ibang lahi, pero dahil arabo siya at may malalaking pangangatawan ay siya ang naging leader namin. Madalas akong tawagin ni Hamod sa kanyang higaan upang paligayahin ko siya, bagay na hindi mahirap gawin at lalong nagpapawi ng aking kalungkutan at pangamba sa loob ng kulungan.

May mga gabi na masyadong sadesta si Hamod sa akin, minsan ay papipilahin ang mga kasama kong inmates upang pagsamantalahan ako. o dili kaya ay ibinubugaw niya ako sa ibang preso para magkapera daw ako pag-uwi ng Pilipinas.

Lumipas ang ilang taon ay hindi ko namamalayan na sampung taon na pala ako sa selda, wala na rin akong balita sa aking mga kamag-anak sa Pilipinas. Naging matagal ang proseso ng aking kaso sa Saudi dahil walang nagpa-follow up sa aking kaso. Sa aking ika-sampung taon ko sa kulungan ay sa wakas ay makakalaya na ako.

May halong lungkot ang pag-alis ko sa selda na iyon, halos isang dekada rin ako nanirahan doon. Ang embahada ng Pilipinas ang umasikaso sa aking mga papeles sa aking pag-uwi sa Pilipinas. At dahil wala akong naiuwing pera ay may konti namang tulong na binigay ang OWWA sa akin. Matagal-tagal na rin ako sa Saudi, walong taon akong nag-TNT at sampung taon ako nakulong.

Hindi ko na rin naabutang buhay ang mga magulang ko ng umuwi ako galing Saudi dahil pumanaw na ito. Sa ngayon ay namamasukan ako bilang isang beautician sa isang salon dito sa aming bayan. At kasalukuyan naman ako tumutuloy sa bahay ng aking kapatid. Hanggang dito nalang po aking liham.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels