OFWs Love and Life Stories

I cheated my wife and I have two girlfriend


Nais ko ibahagi ang aking kwento dito sa OFW Care dahil gusto kong makahingi ng inyong opinyon kung ano ba talaga at sino ba talaga ang pipiliin ko sa kanila. Ako nga pala si Allen, hindi katangakaran pero baby face pa rin kahit sa edad kong 37. At sabi nila malakas daw akong mambola kaya siguro mabilis ko mapa-ibig ang isang babae. Pero bago ko pa simulan ang aking kwento ay nais kong malaman niyo na kasalukuyan akong isang OFW sa Canada. Magiisang taon palang ako dito sa Canada mula ng direktang mag-apply sa Taiwan. Sa Taiwan kasi po ay pwedeng direktang mag-apply ang isang OFW, kaya naman isa ako sa mapalad na napadpad dito sa Canada.

Namamsukan ako bilang isang factory worker sa isang food processing company. At marami akong kasamang mga OFW. Naging kapit bahay ko dito sa Canada ay si Jane kaya naman madalas ko itong makasabay pauwi mula sa trabaho. Si Jane ay merong asawa't anak sa Pilipinas. Hindi nagtagal dahil sa mga matatamis kong salita sa kanya ay nakapalagayan na niya ako ng loob. Hanggan sa hindi naman official na kami pero madalas may mangyari sa amin. At alam niya rin na may asawa't anak ako sa Pilipinas.

Kahit nasa malayo ako ay hindi ako nakakalimot na kumustahin araw-araw ang aking mag-ina sa Pilipinas. Si Lilibeth ang nabuntis ko noong nagtratrabaho na ako sa Pampanga. Nakuha ko lang siya mga kwento at pagkain ng fishball kaya ayun dahil madalas may nangyayari sa amin ay nabuntis ko ito ng hindi inaasahan, kaya napilitan ako ng mga panahong iyon na pakasalan siya sa huwes.

Ngunit makalipas ang ilang taon ay nagkaroon ito ng sakit sa obaryo kaya tinanggal ang kanyang matres. Kaya hindi na nasundan pa ang aming panganay. Naging madalas rin ang pag-aaway namin ng asawa ko ng mga panahong iyon dahil kay Lanie. Si Lanie ay ang aking crush talaga noong collage pa ako at nagkaroon din kami ng panandaliang kaligayan, panandalian lang dahil umalis ito patungong Amerika. Naiwan ako sa Pilipinas at sumunod ito sa kanyang mga magulang kaya naman hanggan sa text nalang kami madalas magkumustahan. Hanggang nalaman niya nagpakasal na ako kay Lilibeth.

Noong una ay hindi ako iniimik ni Lanie, masama ang loob nito dahil hindi ako tumupad sa aking mga pangako na hihintayin ko ang kanyang pagbabalik. 

Taong 2008 ng bumalik si Lanie sa Pilipinas at nasa dalawang taong kasal na rin kami noon ng aking asawa. Mahirap makatakas sa aking asawa pero dahil sa aking trabaho na isang Technician at umiikot sa mga kung saan-saang mga lugar ay nakakuha ako ng tiyempo na magkita ni Lanie. Halos dalawang gabi kami magkasama sa hotel, at ng makita ko sa personal ay lalo pa itong gumanda kaya naman lalo ko pa siyang minahal sa mga panahong iyon. Naging mainit ang dalawang araw na iyon bagay nagpasaya sa bawat isa sa amin. At matapos ang dalawang araw ay masaya kaming dalawang nagpaalam at muling nangako na kami lang dalawa at wala ng iba.

Makalipas ang ilang linggo ay bumalik na si Lanie sa Amerika. Kaya naman hindi na ako noon parang aligaga, bagay na napapansin na ng aking asawa. Pati ang aking cellphone ay laging bitbit ko na sa takot ko na mabasa pa ng asawa ko ang mga mensahe ni Lanie sa akin.

Lumipas pa ang ilang taon ay nagsara ang kumpanyang pinapasukan ko kaya naman napilitan akong mag-abroad at napadpad ako sa Taiwan. Naging Factory worker ang aking naging trabaho doon. At dahil malayo na sa asawa ko ay lalong naging malaya ako makipagharutan sa mga babae. Pero sa Taiwan ay sa Taiwan lang at hindi pwede dalhin palabas. Kaya madalas na naging relasyon ko doon ay hindi nagtatagal pero syempre madalas nakaka-score pa rin. Makalipas ang dalawang taon ay naka-ipon ako ng pang-placement fee ko patungong Canada kaya naman naging mabilis rin ang proseso ng aking mga dokumento, agad naman akong nakalipad sa Canada.

Kahit na nandito na ako sa Canada ay hindi pa rin nawawala ang aming komunikasyon ni Lanie. Kaya madalas ay puyat ako dahil sa ang ginagawa ko ay schedule ang kanilang pagtawag sa akin. Dagdag pa sa binibigyan kong oras ay si Jane na mas malapit sa akin dahil kapit bahay ko lang.

Hanggang ngayon ay ganyan ang sitwasyon ng aking buhay, at minsan ay nahuli na rin ako ng asawa ko ng namali ako ng padala ng text. Pero nadala ko naman siya sa mga pagmamakaawa. Hindi ko po alam kong sino talaga alam kung bibitawan ko na sila, kaya gulung-gulo lagi ang isip ko.

Hanggang dito nalang po sanan mapayuhan niyo po ako.

Lubos na gumagalang,
Allen
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels