OFWs Love and Life Stories

I cheated but I am still loyal to my wife


Sa kabila ng aking pagiging tapat ay dumarating talaga sa buhay ang temptasyon na hindi mo maiiwasan.
Isa po akong OFW sa bansang Dubai, ako nga pala si Joel. Taong 2002 ng mapadpad ako dito sa Dubai. Meron po akong isang anak, maliit pa ito ng iwan naming mag-asawa sa pangangalaga ng akig byenan. Nauna lang ng ilang buwan ang aking asawa pero ito'y napadpad sa bansang South Korea at namasukan bilang factory worker at ako naman ay napadpad sa Dubai. Isa po ang Nurse kaya naman naging maayos rin ang aking naging trabaho. Iyon nga lang ay magkalayo kami ng aking asawa at anak. Nasa magkaibang mundo kami lahat dahil magkakaiba ang aming mga oras.

Sa aking pagtratrabaho sa Dubai ay marami akong nakakasalamuha lalo na mga Pinay na nurse. Kaya naman napapadalas ang bonding at hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong nahuhumaling kay Glaiza. Madalas kaming kumain sa labas at kung minsan ay sinasama niya ako sa kanyang apartment. Hanggang sa madalas ay may nangyayari sa amin. Naging ganun ang set-up namin ni Glaiza, madalas ko itong puntahan lalo na kapag wala akong pasok.

Samantala ang asawa ko naman ay tapat ito sa akin, masasabi kong tapat dahil araw-araw niya kung ako tawagan at laging video call sa Pilipinas kasama ang anak namin. Marami na rin itong naipundar sa kanilang bahay. Samantalang ako ay nahuhumaling sa ibang babae. Itinago ko ang mga bagay na iyon. Naroon ang kapag oras na ng pagtawag ng aking asawa ay pinapatay ko ung cellphone ko dahil magkasama kami ni Glaiza, ayoko kasi na mahalata ng asawa ko ang ginagawa ko sa kanya.

Mahal ko ang asawa't anak ko kaya hangga't maari ay ayokong makaalam sila sa ginawa kong mali. Hindi kami friend sa facebook ni Glaiza para na rin sa siguridad namin dahil may asawa rin ito sa Pilipinas kaya ang madalas naming komunikasyon ay ang Viber.

Sadyang napakabait ni Glaiza sa akin, dahil halos araw-araw ako kung dalhan ng ulam sa trabaho at bukod doon ay binibilhan pa ako ng mga gamit kaya naman bilang ganti ay binibilhan ko rin siya ng mga gamit at siyempre ay pinapaligaya ko siya sa tuwing kami ay magkasama.

Naunang umuwi sa akin ang asawa ko sa Pilipinas at dahil may malaki naman itong naipon ay kinausap ako ng kung papayag ba daw ako na mag-migrate sa Canada total nandoon na rin naman ang kanyang ibang kapatid. At siyempre pumayag na ako. Hinanapan na ako ng employer sa Canada ng kapatid niya.

Sinabi ko ito kay Glaiza, subalit nakita ko ang mga lungkot sa kanyang mga mata. At makalipas ang ilang buwan ay nagdesisyon na akong umuwi ng Pilipinas dahil tapos na rin ang mga papeles namin. Sa huling tatlong araw naming magkasama ni Glaiza ay pinasaya ko ito ng sobra at ipinaliwanag ko lahat sa kanya. Naging masakit iyon para sa aming dalawa ang paghihiwalay ngunit ito ang tama.

Bago pa man ako makaalis ng Dubai ay pinutol ko na ang kumonikasyon namin ni Glaiza at dinelete ko lahat ng mga photos namin at ang Viber na tanging komukonekta sa aming dalawa.

Pagdating ko sa Pilipinas ay masaya akong sinalubong ng aking asawa at magulang. At Ilang buwan lang ang nakalipas ay agad kaming nakaalis papuntang Canada.

Sa kasalukuyan ay isa po akong nurse sa isang ospital dito sa Canada. Meron na rin kaming sariling bahay at sasakyan,ngunit nakakapanibago dahil malayong-malayo sa pamumuhay namin sa Pilipinas.

Hanggang dito nalang po ang aking kwento nawa'y kapulutan ng aral ang kwento ng buhay ko.
Maraming Salamat,
Joel
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels