OFWs Love and Life Stories

A love affair with my boss


Pagmamahal ng isang OFW nagbunga ng maganda

Sa mga kapwa ko OFW nais kong ibahagi ang kwento ng aking buhay. Ako si Annabelle tubong Bataan. Kasalukuyang nagtatrabaho ako sa Taiwan bilang isang Caregiver. Para sa akin hindi madaling trabaho ang Caregiver dahil ang trabahong ito ay nangangailangan ng mahabang pasensya at pag iingat sap taong inaalagaan mo.

Taong 2015, nagdecide akong makipagsapalaran sa bansang Taiwan dahil sa hirap ng buhay na kinakaharap naming mag-ina. Byuda na ang aking ina kung kaya't lahat ng responsibilidad bilang ama at ina siya ang gumaganap para sa akin pero laking pasasalamat ko kasi napag-aral nya ako at lumaki akong mabuting tao. At dahil sa nakikita kong paghihirap nya, naisip kong ito na ang panahon para suklian ko siya sa lahat  at ako naman ang gaganap ng responsibilidad para kanya bilang isang anak. Dahil nakapag-aral ako ng Caregiver ito ang naging susi ko para makapunta sa ibang bansa. Mahirap para sa akin ang maghiwalay kami ng aking ina pero no choice ako dahil kailangan, pero ang desisyon kong ito ay sinang ayunan naman ng aking ina kung kaya't masaya rin ako dahil sa suporta nya sa akin.

Sa Taiwan, ang naging employer ko ay isang lalaki na may isang anak na hindi nakakatayo at nakakalakad dahil sa kanyang sakit. In fairness, simpatiko ang aking amo, gwapo at matipuno ang katawan at higit sa lahat mabait kung kaya't imposible na walang magkagusto sa kanyang mga babae. Araw araw dalawa lang kaming naiiwan ni Tommy sa bahay dahil may work siya at gabi na nauuwi.  Si Tommy ay hindi mahirap alagaan nasa limang taon ang kanyang edad. Sa totoo lang masaya siyang kasama kaya naging sobrang malapit kami sa isa't isa. At talaga namang napamahal na siya sa akin.

Isang araw, naisip namin ni Tommy na lumabas sa hardin para magpahangin. Naglaro kami ng pasahan ng bola at sabay kaming kumain ng merienda after nun nanood kami ng video sa cellphone at tuwang tuwa kami dahil comedy. Hindi namin napansin na dumating na pala si Sir Steve ang daddy ng aking alaga at nakangiting pinagmamasdan ang aming ginagawa. Lumapit siya sa amin ni Tommy at sa pagtayo ko para batiin siya bigla kaming nagkabungguan at nagkatinginan. Bigla akong nahiya sa kanya at para bang biglang bumilis ang pintig ng aking puso. Oo tama may paghanga ako sa aking amo na si Sir Steve.

Sa araw-araw naming pagsasama sa bahay sobrang napapalapit at napapamahal na talaga silang mag-ama sa akin. Masaya ako kapag pinagsisilbihan ko sila na para bang isang pamilya kami. Pero bigla akong nahinto at nasabi ko sa sarili ko na "hwag dahil hindi tama dahil isa lamang akong caregiver at nanny nila". Naisip ko din na baka masaktan lamang ako. Sa totoo lang sa tagal kong pamamalagi kina Sir Steve lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya at lalo ko siyang minamahal pero hanggang tago na lamang nararamdaman ko sa kanya dahil ayokong mag assume na magugustuhan niya ako dahil isa lamang akong Caregiver.

Isang gabi hindi ako makatulog kung kaya't umupo muna ako sa terrace ng bahay. Napatulog ko naman na si Tommy ng mga oras na iyon. Habang nagpapahinga ako bigla ko naalala ang aking ina kung kaya tinawagan ko siya. Napaiyak ako nang makita ko si Mama dahil sobrang miss ko na siya at talagang gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Marami kaming napagkwentuhan ni Mama pero importante sa akin ok siya kaya palagay ang loob ko. Nang gabi din na iyon nagulat ako kay Sir Steve dahil bigla siyang tumabi sa akin habang nagpapahinga ako sa terrace. Sabi nya di din daw siya makatulog kaya nagkwentuhan na lang kami. Sobrang saya ko ng gabing iyon dahil naka bonding ko siya. Nakasama ko ang taong aking nagugustuhan. Ngunit bigla akong nagulat nang tanungin niya ako kung ako ba ay may boyfriend. Hindi naman ako nagsinungaling sa kanya at sinabi ko na WALA pa. At noong gabi din na iyon deretsahan niya ako tinanong kung maaari ba niya akong ligawan. Bigla siyang nag confess ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko at sasabihin ko sa kanya ng mga oras na iyon bigla na lamang ako nanahimik at hindi nakapag salita, pero sa loob ko masayang masaya ang puso ko dahil sa wakas parehas pala kaming may pagtingin sa isa't isa.

Sa kabila ng pag-amin ni Sir Steve sa akin itinuloy niya talaga ang panunuyo sa akin na hindi ko alam na may approval na pala kay Tommy. Kaya pala pag lumalapit sa akin ang kanyang Daddy tuwang tuwa siya. Hindi ko akalain na masasabi sa akin ni Tommy na masaya siya dahil ako ang napili ng kanyang daddy para maging mommy nya at bigla nya ako niyakap ng mahigpit at sinabing "I love you mommy Belle". Sobrang naantig ang aking puso at napayakap din ako kay Tommy.

Hindi talaga ako tinigilan ni Sir Steve kinulit nya ako ng kinulit at sobrang panunuyo talaga ang kanyang ginagawa kung kaya't naibigay ko rin sa kanya ang matagal na niyang hinihintay ang matamis kong OO. Hindi ako makapaniwala sa nakita kong reaksyon  ng makamtan nya ang aking sagot bigla nya ako niyakap ni Steve at binuhat habang sigaw ng sigaw. Sobrang saya namin parehas noong oras na iyon dahil hindi ko rin akalain na ang lalaking pinapangarap ko lang ay totoo kong maaangkin.

Masaya ang naging relasyon namin ni Steve walang mga dull moment at lagi siyang may oras sa amin ni Tommy kaya sobrang swerte ko dahil ako ang minahal niya. Ganoon din naman ako sobrang mahal ko din siya.

Bumalik ako ng Pilipinas upang magbakasyon ng isang buwan. Sa wakas ang miss na miss ko na mama ay nayakap ko na rin. Masayang masaya ako sa pagkikita naming mag-ina naikuwento ko sa kanya ang magandang nangyari sa love life ko sa Taiwan kaya tuwang tuwa si Mama. Isang linggo pa lamang ako sa Pilipinas sobrang miss ko na ang aking pinakamamahal na mag-ama. Kinabukasan habang naghahanda kami ng pagkain ni Mama para sa aking welcome party bigla may humintong sasakyan sa tapat ng aming bahay at laking gulat ko na ang dumating ay sina Steve at Tommy hindi ko akalain na susunod sila sa Pilipinas. Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanilang dalawa.

Habang kami ay kumakain kasama ang iba pang bisita at aming mga relatives bigla tumayo sa gilid ko si Steve at may ibinigay na bulaklak at biglang lumuhod at inilabas ang singsing na kanyang hawak at sinabing "Belle, I want to spend the rest of my life with you. Will you marry me?". Wala akong nasabi kundi YES at bigla ko siyang hinalikan sa kanyang lips at niyakap ng mahigpit dahil sa wakas magpapakasal na kami.

Nagpakasal na kami ni Steve sa Taiwan at masayang masaya ang buhay namin dito bilang isang pamilya. At good news nadagdagan kami ng dalawang miyembro dahil nagkaroon kami ng anak ni Steve kaya masaya si Tommy dahil may kapatid na siya at si Mama. Yap, dahil nakuha ko na ang residency ko sa Taiwan kinuha ko na rin si Mama para sama sama kami namumuhay dito sa Taiwan.

Ang sarap ng pakiramdam ko na ang pinapangarap kong maayos na buhay at pagkakaroon ng pamilya ay dito ko sa Taiwan natagpuan.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels