OFWs Love and Life Stories

A true love always win


Isa akong call center agent sa Pilipinas. Glenn pala ang tawag sa akin ng lahat. Bago ako naging call center agent, nagtrabaho din ako sa mga electronics company. Hindi perpekto ang pagkatao ko. Oo, tama po isa akong binabae sa madaling salita isa akong GAY. Pinilit kong maging isang normal na lalaki ngunit ayaw talagang tanggapin ng aking katawan.

Sabi ng Nanay at Tatay bata pa lang ako malambot na talaga ang mga kilos ko. Pero hindi nila ako ikinahiya gaya ng ibang mga magulang bagkus ay tinanggap nila ang pgkatao ko kaya malaki ang pasasalamat ko kina Nanay at Tatay sa pagmamahal at suportang binibigay nila sa akin.

Bilang isang call center agent, lam kong isa itong magandang trabaho pero ewan ko ba bakit parang hindi ako contented. Kaya naisipan kong mag-apply sa ibang bansa. Nagpasa ako ng resume sa isang agency sa Manila para sa bansang Taiwan. Nag-exam ako at nainterview. Nag-apply ako bilang isang Production Operator. Pinili ko sa Taiwan dahil malapit lamang ito sa Pilipinas at alam ko ding maganda dito at naniniwala akong hindi dinidiscriminate ng mga tao doon ang kagaya kong bakla.

Actually hindi naging madali sa akin ang mag-apply. Matagal din akong naghintay ng tawag galing agency na inaplayan ko. Akala ko nga dati ganun ganun lang pag nag-apply ka sa Taiwan pero hindi pala dadaan ka talaga sa hirap. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa nagtiyaga akong maghintay ng tawag.

After 3 months, nagbunga ang aking paghihintay. Tinawagan ako ng aming coordinator at sinabing selected ako kung kaya't pinagrereport nila ako for medical. Habang nagpaprocess ako ng aking mga papers for Taiwan inaayos ko din ang aking resignation letter para sa iniwan kong company. After 1 month of processing nakalipad na ako papuntang Taiwan.

Sa Taipei ako na company na assign. Masuwerte ako dahil magandang company ang napuntahan ko at laging may O.T kahit laging pagod at puyat sulit naman pagdating ng sahod. Kung kaya't masayang masaya ako dahil malaki ang naipapadala ko kina Nanay at Tatay.

Sa Taiwan marami aking naging kaibigan maging Filipino man at Chekwa. Mabilis ko silang nakagaanan ng loob, kaya wala akong naging problema sa mga taong nakakasalamuha ko. Kapag may time ako sa day off ko inienjoy ko din sarili ko sa pamamasyal doon para hindi ako ma- homesick. Marami na rin akong napuntahan lugar doon gaya ng sun-flower farm, orange farm, big city at marami pang iba lahat ng iyon ay magaganda lalo na ang pagpunta ko sa Beach na talaga namang na enjoy ko dahil tahimik at sariwa ang hangin.

Malaki ang naitulong sa akin ng pagiging OFW ko sa Taiwan dahil nakaipon ako dito. Natulungan ko din sina Nanay at Tatay sa lahat ng pangangailangan nila. At higit sa lahat sa Taiwan ko natagpuan ang aking LOVE of my LIFE na si Rafael na sobrang bait at tinanggap ako kung ano ang aking pagkatao.At kailanman ay hindi ako kinahiya kaya sobrang laki rin ng pagmamahal ko sa kanya.

Para sa mga kababayan natin na gusto rin makipagsapalaran sa ibang bansa mapapayo ko lamang na huwag kayong susuko agad. Hangga't may oras magtiyaga tayong maghintay dahil naniniwala ako na kung para sa iyo talaga ang isang bagay makukuha at makukuha mo iyon sa tamang panahon.

Sana nakapagbigay ng inspirasyon sa iba nating kababayan at kapwa ko OFW ang aking kwento. Maraming salamat po.
Share:

1 comment:

  1. This story was just like my story also. Im only a gay and I'm proud to say that i found my forever here in Taiwan.. Me and my Taiwanese boyfriend are staying stronger now. Because his family accepted me even im a gay and he is a real man and a supervisor in a company.. I can say that Taiwan is very good country when it comes to LGBT because they always respect you and accept you even what and who you are...

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels