Foods and Travel Guide

My husband has fall in love to a woman with three children



"Marahil ay nagiging manhid tayo sa ating mga damdamin lalo na kung paulit-ulit tayong sinasaktan ng ating mga mahal sa buhay."

Ako nga pala si Elvie isang domestic helper sa Hongkong. Anim na taon na akong namamasukan. At pinalad naman sa aking mga amo dahil sobrang bait nila sa akin. Ngunit sa kabila ng pagiging mapalad ko sa aking pangingibang bayan ay siya naman ang kabaliktarang nangyari sa aking buhay pag-ibig.

Sa aking pag-alis sa Pilipinas ay naiwan ko ang aking dalawang anak at asawa. Ang aking asawa ay nagsasaka lamang sa bukid at kung saan meron pwede extrahan kaya naman sa hirap ng buhay ay nakuha kung mangibang bayan upang mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking mga anak at maipatayo ko naman ng isang disenting tahanan ang aking pamilya.

Umalis ako taong 2013, kasama-sama ko sa pag-apply ng trabaho ang aking asawa. Mga hirap at sakripisyo sa aking paghahanap ng trabaho ay naging karamay ko siya. Naging madali naman ang lahat ng matanggap ako sa isang agency papuntang Hongkong dahil meron naman akong mga experience sa pagiging domestic helper sa Manila.

Bago pa man ako umalis ay ibinilin ko lahat ang aking mga anak sa aking asawa at maraming mga payo at bilin ang aking iniwan sa aking asawa. Nariyan na ang alagaang mabuti ang aming mga anak at siyempre huwag pabayaan ang kanyang sarili.

Nang nasa Hongkong na ako ay bihira ko lang makausap ang aking mga anak at asawa dahil ng umalis ako ay walang magandang cellpone kaya tiis nalang muna sa pagpapaload ng regular makausap manlang sila.

Makalipas ang ilang buwan ay meron akong naitatabing pera kaya naisipan kung bilhan ng cellphone ang aking asawa ng sa gayon makausap ko rin ang aking mga anak.

Pinadalahan ko ang asawa ko ng pera para makabili ng cellphone, tuwang-tuwa ang asawa ko dahil syempre first time makahawak kasi sa bukid eh araro lang ang hawak. at mula noon ay naging maayos na ang aming komunikasyon ng aking mga anak at asawa.

Makalipas ang ilang buwan ay nakapagpundar na kami ng motorsiklo na ginawan ng sidecar ng aking asawa upang makapamasada kung walang trabaho sa bukid. Ngunit lumipas pa ang ilang buwan ay may nabalitaan ako sa aking mga kamag-anak na tila may sinasakay na iba ang aking asawa. Agad kung tinanong aking mga anak kung totoo ba ito. At ayon sa kanila ay hindi nila nakikita ang papa nila na merong iba pero madalas daw ginagabi na ito ng uwi.

Kinumpronta ko rin ang aking asawa kung may katotohanan ang mga dumarating sa aking mga balita. At siyempre to do deny ang aking magaling na asawa. Ngunit naalala ko na ang facebook account na gamit ng aking asawa ay ako ang gumawa at naalala ko pa ang password dahil ang aking asawa ay hindi marunong gumawa ng facebook kaya ginawan ko ito.

Agad ko binuksan ang kanyang facebook account. At nakita ko ang isang pangalan ng Honey. Binuksan ko ang conversation na iyon at doon tumambad sa akin amg mga sweet na mensahe nila. At meron pang mga picture ang dalawa kaya nakilala ko ang babae na si Marife mula sa kabilang barangay.

Galit kung minura sa text ang babae gamit ang account ng asawa ko at tinawagan ko rin ang asawa kung si Marco at sinumbat ang lahat ng sakit at poot na nararamdaman ko sa kanilang dalawa. Napakasakit na lokohin ka ng asawa mo lalo nasa ibang bansa ka pa.

Kinabukasan ay nagpaalam ako sa aking mga amo na kung pwede ay uuwi muna ako pansamantala dahil sa emergency. Kaagad naman pumayag ang aking amo. Pagkadating ko sa bahay ay hindi ko na nadatnan ang aking asawa, naiwan ang dalawa kung anak.

Nalaman ko nalang na sumama na pala ito sa kanyang kabit at take noted dala pa niya ang motor na naipundar ko kaya naman ipinatawag ko siya sa barangay. Ang hiniling ko nalang ay ibalik ang motor kapag hindi ay kakasuhan ko sila at ang kanyang kabit. Naging mabilis pa sa alas kwatro ang aking asaw agad niya sinauli ang motorsiklo. At nangakong hindi na kami guguluhin ngunit obligadong magbigay ng buwanang sustento.

Sa ngayon ay nakabalik na ako sa aking trabaho sa Hongkong. Ang mga anak ko naman ay nasa pangangalaga ng aking mga magulang. Sana kapulutan ng aral ang kwento ng aking buhay

Nagmamahal,
Elvie
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels