Foods and Travel Guide

My unworthy boyfriend


Paano kung ang nangakong magpapakasal sa'yo ay nakuhang mangaliwa? papakasalan mo pa kaya?

Ako nga pala si Candy, isang OFW sa Taiwan. Namasukan bilang isang Factory workers at kung pag-uusapan ang aking aking naging buhay trabaho sa Taiwan ay naging maganda naman ang lahat pwera lang sa buhay pag-ibig na aking naranasan.

Kilig na kilig ako ng isang Matangkad, maputi ay Chinito ang nanligaw sa akin. Sabi nga ng mga katrabaho ko ay bagay daw kaming dalawa dahil ako ay isang morena at ang magiging kasintahan ko raw ay sobrang puti.

Lumipas ang mga buwan ay nagpasya kaming magsama sa isang bahay. Nangupahan kami at hindi nagtagal ay nagbunga ang aming pagmamahalan. At wala naman problema doon dahil parehas kaming single at wala pang mga pananagutan sa buhay.

At dahil nga buntis na ako at lumalaki na ang aking tiyan ay kailangan ko iwan pansamantala ang magiging tatay ng aking anak at hinhintayin nalang ang paguwi niya sa Pilipinas.

Taong 2018 ay nakabalik ako ng Pilipinas. At araw-araw ay mayroon kaming komunikasyon ng aking BF. Hanggang lumipas ang mga buwan na parang nanlalamig na siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang magduda na baka meron na siyang iban sa Taiwan.

At dahil marami naman akong kaibigan sa aming pinasukang kompanya ay pinamanmanan ko sa aking kaibigan ang mga kilos ng aking boyfriend. At ayon sa aking kaibigan na si Jessa ay wala naman daw itong ibang ginagawa kundi busy lang sa paglalaro ng ML. Nakikita daw niya sa canteen ng kumpanya na mag-isa at lagi naglalaro.

Hindi pa rin ako naging kampante sa mga sinabi ng kaibigan kaya naman nakiusap rin ako sa aking isang kaibigan na kung pwede sabihin sa akin ang mga ginagawa ng aking BF. Kasi malakas ang aking pakiramdam na meron siyang ginagawang ibang mga bagay bukod sa paglalaro ng ML.

Isang gabi nagulat ako sa ipinadalang litrato sa akin ni Shane na siyang inutusan ko na magmanman sa mga kilos ni Klint. Bumungad sa akin ang larawang magkasama si Jessa at Klint na kumakain sa isang restaurant at isa pang larawan naglalakad habang magka-hawak kamay.

Hindi na namalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata at ang tanging naramdaman ko sa mga oras na iyon ay ang galit, galit na niloko ako ni Klint at niloko ako ng tinuring kung matalik na kaibigan sa Taiwan.

Tinawagan ko si Klint at kinumpronta kung may relasyon nga ba sila ni Jessa. Halos mautal si Klint sa pagsagot sa akin at todo deny sa aking mga paratang sa kanya. Sunod naman tinawagan ko si Jessa at kinumpronta kung may relasyon nga ba sila ni Klint. Noong una ay todo tanggi si Jessa at dahil galit na ako at umiiyak ay narining ko sa kabilang linya ang pag-iyak ni Jessa at pag-amin sa kanilang nagawang kasalanan ni Jessa. Todo Sorry si Jessa ngunit ano pa nga bang magagawa ng sorry kapag inahas mo na ang tinuring mong matalik na kaibigan.

Binantaan ko si Klint na kung hindi niya hihiwalayan si Jessa alangalang sa anak namin ay pupunta ako kay Sir Tulfo para pareho silang dalawa ay ma-deport ay isa pa si Jessa ay may asawa sa  Pilipinas at may isang anak. Agad namang nag-sorry si Klint at nangakong hihiwalayan niya si Jessa.

Sa ngayon si Klint ay nasa China na nagtatrabaho at si Jessa naman ay naka-block ako sa facebook pero balita ko ay nasa Pilipinas na ito kasama ang kanyang pamilya. Kami naman ni Klint ay maayos na kahit na paminsan minsan ay naroon pa rin ang aking mga pagdududa.

Sa ngayon ay buwanan naman siyang nagpapadala sa aming mag-ina at plano na naming magpakasal sa 2022.

Yun lamang po sana kapulutan ng aral ang aking kwento.


Nagmamahal,
Ms. Candy ng Taiwan
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels