Foods and Travel Guide

A materialistic OFW went home home with empty pocket


Akala ko noon kapag nasa abroad marami ka ng pera kaya mo na bilhin ang mga gusto mong bilhin pero ang totoo ay hindi. Isa ako noon sa nangarap mag-abroad. Nangarap na sana maranasan ko rin ang isang marangyang buhay sa abroad.

Sa madaling salita naka-alis ang ng abroad. Naging maganda naman ang aking napasukang kumpanya. Halos lahat ng trabaho ay kaya-kaya ko gawin pwera lang minsan sa mga kapwa mo Pinoy na minsan hindi maiwasan magbangayan o magpunahan sa trabaho. Pero sa kabila ng mga ganung naranasan ko sa trabaho ay binalewala ko lahat.

Sumasahod naman ako ng sakto sa aking pinasukang kumpanya ngunit sa aking pagiging uhaw sa pagkakaroon ng mga mamahaling gadget ay nawili ako bumili ng mamahaling cellphone, laptop at kung anu-ano pa na hindi naman masyadong kailangan. Umabot ang oras na naisanla ko na rin ang aking atm para lang mabili ang mga bagong labas na cellphone. Hanggang sa umabot na halos ang sahod ko ay napupunta nalang sa utang at tubo.

Naging mahirap ang buhay para sa akin lalo na nagbibigay pa ako sa aking mga magulang. Dumating rin ang punto na nakukuha ko ng mangutang sa aking mga katrabaho. Halos ang sahod ko ay pambayad nalang sa utang. Naranasan ko na kumain na sardinas nalang ang ulam o minsan naman pancit canton.

Lumipas ang taon ng hindi ko namamalayan ay malapit na palang matapos ang aking kontrata. Nagising nalang ako sa aking diwa na wala pala akong naipon na kahit piso sa aking bank account.

Noon ko lang napagtanto na dapat pala ay inuna ko muna ang pag-iipon kaysa pagbili ng mga kung-ani-anong mga bagay na hindi naman kailangan.

Nasabi ko nalang sa sarili ko na sana noo ko pa ginawa ang pag-iipon.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels