Foods and Travel Guide

Despite of my honesty, my girlfriend has leave me


Ano ang gagawin mo kapag ikaw ay niloko ng minamahal mo sa Pilipinas sa kabila  ng iyong pagiging tapat pagsusumikap sa ibang bansa?

Ako nga pala si Ron, isang OFW sa Gitnang Silangan. Napunta sa abroad dahil sa pangarap kung mabigyan ng magandang bukas ang magiging pamilya ko sa kinakaharap.

Bago pa man ako umalis ng Pilipinas ay maayos kami nag-usap ng aking kasintahan. Nangakong walang iwanan at walang magbabago sa isat-isa. At mag-iipon kami ng pera para makapagpatayo kami ng sariling negosyo.

Mga unang buwan ko sa Middle East ay naging maganda naman ang aming mga pag-uusap ng aking kasintahan. Lagi andoon ang iyakan at kung anu-ano pang mga drama.

Hanggan lumaon ay nakakasahod na ako ng maayos ng maisipan naming magkasintahan na magtayo ng negosyo. Araw-araw ay mayroon naman kaming komunikasyon ng aking kasintahan.

Sa kabila ng kanyang trabaho at nasa ibang bansa kami ang pagiging LDR ay hindi madali. Pero ganun pa man dahil mahal ko siya ay sinusunod ko lahat ng mga payo niya sa akin, kasama na dito ang mga bawal at mga dapat naming gawin. Sumusunod ako gaya ng matulog na maaga at huwag gumala. At kapag naman gumala ay kailangan laging may selfie para katibayan na ikaw ay gumala at syempre kailang picturan rin kung sinu-sino ang mga kasama.

Nasanay kami sa ganung sitwasyon, naging maayos naman ang aming relasyons sa mga taong lumipas. Nakapagpundar na rin kami ng aming munting negosyo habang ako nagtratrabaho sa abroad.

Isang araw ay tumatawag ako sa kanya at sinagot naman niya ako. At dahil nagkataon na hapon na sa Pilipinas at labasan na mula sa mga trabaho ay nagpaalam ang aking kasintahan na kung pwede ay sumabay nalang siya sa kanilang Team Leader sa trabaho na sabi niya ay matanda pa sa kanya ng sampung taon. Tawag niya nga ay kuya, siyempre ako naman pumayag dahil alam ko at malaki ang tiwala namin sa isat-isa.

Dumating ang araw na tapos na ang aking trabaho sa Middle East at nag-usap kami ng kasintahan ko na kung pwede ay sa kanila na ako didiretso total kilala na rin ako ng mga magulang niya at may naipundar na kami kahit papano at isa pa ay siya ang nagtatago ng aming mga savings.

Sa madaling salita ay nakauwi na ako sa Pilipinas at derechung tumuloy sa tahanan ng aking kasintahan.  Marami ako naging pasalubong para mga magulang niya at kapatid at siyempre hindi mawawala ang iPhone para sa aking kasintahan.

Lumipas ang ilang araw ay normal na pumapasok sa trabaho ang aking kasintahan at ako naman ay tumutulong sa konting negosyo na aming naipundar katuwang ang kanyang mga magulang.

Ilang araw na mula ng dumating ako sa Pilipinas ay napapansin ko na ang aking kasintahan ay laging gabi na kung umuwi at hinahatid ng sasakyan. Isang gabi ay naglakas loob na akong kinumpronta ang aking kasintahan. Tinanong ko kung sino ba talaga ang naghahatid sa kanya, at ang sagot naman si kuya yung kinukwento niya sa akin noong nasa abroad pa ako. At nung gabi na iyon ay pinalagpas ko muli ang mga hinala ko.

Araw ng Sabado noon ng tumambay ako sa may tindahan at tamang-tama rin dahil doon ko nalang aantayin ang aking kasintahan. Gabi na yun at matiyaga kung inaantay ang aking kasintahan. Mula sa may kanto ay may natanaw akong isang itim na kotse, at kung hindi ako nagkakamali ay si Trixie yun ang aking kasintahan at nagpaalam sa isang lalaki sabay kiss sa labi. Biglang hindi ko mawari ang aking nararamdaman ng mga oras na iyon. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Nanaig ang galit at sakit sa aking dibdib.

Agad ko sinalubong si Trixie at nanlaki ang mga mata nito ng makita niya ako. Agad ko tinanong kung sino ang lalaking iyon. At sabay sagot sa akin, "si Kuya lang yun, yung team leader namin sa trabaho na nagmamagandang loob."

Hinila ko siya papasok sa kanilang bahay at doon sinabi ko lahat ng nakita ko kanina sa may kanto. Hindi na siya nakatanggi sa mga naging tanong ko sa akin, inamin niyang matagal na silang merong relasyon ng lalaking iyon.

Bumuhos ang luha sa aking mga mata, at tanging pagsuntok nalang sa pader ang aking nagawa. Sa kabila ng aking mga paghihirap, pangungulila ng taon sa kanya sa abroad ay nagawa niyang akong lokohin. At ni minsan ay hindi ko nakuhang mamasyal na may kasamang babae.

Noong gabi ring iyon ay nagpasya na kong umalis sa bahay nila. Binawi ko lahat pati ang bagong iPhone na binigay ko sa kanya. At doon naman sa aming munting negosyo ay napagusapan nalang na huhulugan nalang niya ng paunti-unti sa akin.

Makalipas ang ilang taon ay nakuha ko na ring mag-move on sa bangungot na aking kinahinatnan. At sa ngayon ay masaya ako muling nakabalik ng abroad at kasalukuyang meron na rin kasintahan na alam ko na tapat at nakakasama ko araw-araw.

Nagmamahal
Ron-Ron
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels