Foods and Travel Guide

A painful farewell of a OFW


Matapos matanggap ang isang worker sa pinag aapplayan nya. Ito na ang pinakamahirap na sandali na nararamdaman ng isang taong umaalis ng bansa para makipagsapalaran sa ibang bansa. Mahirap maiwanan ang pamilya lalo na't may mga anak itong iiwanan. Pero dahil sa hirap ng buhay kailangan gawin ito. Sabi ng iba masaya makapagtrabaho sa ibang bansa pero hindi nila alam ang hirap na mararanasan mo pagdating doon. Masakit sa pakiramdam kapag umaalis ang mga domestic helper sa bansa dahil mararanasan nilang mangamuhan sa mga ibang lahi. Masakit makita na kapag papasok ka sa airport iiyak ang pamilya mo lalo na ang mga anak mo na iiwanan.

 Pero wala ka magawa dahil kelangan at para din sa kanila ang ginagawa mo. Habang nasa loob ka na ng paliparan hindi pa rin maaalis ang isip mo sa pamilya na iniwanan mo. Maiisip mo na aalis ka para manilbihan sa iba tapos ang mga anak at asawa mo walang magaalaga at magaasikaso. Kahit sabihin na kaya na nila sarili iba pa rin kapag ilaw ng tawanan ang gumawa. Hindi mo rin maiiwasan umiyak kapag naiisip mo ang lahat ng ito. Pagdating mo sa ibang bansa eto na ang araw ng pagsisimula mo sa trabaho. Susunduin ka ng employer mo at dun mo malalaman kung saan ang tutuluyan mo makikita mo kung gaano kalaki ang bahay na at anung klase mga amo ang pagsisilbihan mo.

Ang sakit isipin na habang nagtatrabaho ka ibang bayan ang isip mo ay lumilipad sa bansang iniwan mo at sa pamilya na namimiss mo. Habang nagluluto ka ng pagkain ang isip mo kumakain b ng ayos ang pamilya mo. Habang naglilinis ka ng kanilang bahay, maiisip mo na nalilinis kaya mabuti ng pamilya mo ang inyong tahanan. Ang lahat ng nararamdaman mo na ito ay sakripisyo sa lahat lalong lalo na sa sarili mo. Para maibigay mo ang maayos na buhay para sa pamilya mo.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels