Foods and Travel Guide

Struggles of the Domestic OFWs


Marami sa atin ang nangingibang bansa dahil sa kadahilan ng kahirapan sa buhay. Marami tayong napapanuod o naririnig na balita na kadalasan sa nangingibang bansa ay mahirap ang kalagayan sa mga kamay ng mga amo. Pero para makaahon tayo sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating pamilya tayo ay sumusubok mag abroad.

Ang trabaho ng Domestic Helper ay hindi madali.Kapag nandito pa tayo sa Pilipinas maganda ang offer ng Agency kompleto sa benipisyo. Sinasabing nila na may day off pero pagdating natin sa ating Employer sa abroad ay wala pala. Gusto lang nila magtrabaho ng walang humpay at pagsilbihan sila. Masuwerte ka kung makatagpo ka ng among mabait, na kaya kang bigyan ng day off at pakikitunguhan ka ng maayos.

Ang salitang abroad ay masarap pakinggan dahil makakapunta tayo sa ibang bansa. Pero ang ang hindi natin alam dun natin mararanasan ang hirap, pagud at pagtitpid sa sarili, at pangungulila sa ating Pamilya. Pero ang lahat ng sakripisyo at pagtitiis ay maiibsan kung nakikita mong naibibigay mo sa pamilya mo ang materyal na pangangailangan nila hindi man natin cla maabot ng yakap dahil malayo tayo, sa pamamagitan na man lng ng naipapadala natin ay maipadama natin na hindi tayo nagkukulang sa kanila.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels