Foods and Travel Guide

life of being Domestic Helper in Saudi Arabia


Ang isang Domestic Helper o kasambahay ay umaalis sa Pilipinas para kumita ng pera sa ibang bansa. Pero hindi madali ang buhay ng isang DH. Magpapaalipin sa ibang lahi para kumita ng pera. Hindi lahat ng ibang lahi ay mababait karamihan sa Muslim Country ay mahigpit ang mga amo.
Bilang isang DH pagdating mo sa ibang bansang napili mo lalo na sa Muslim Country. Madalas sabihin na bawal ang gumamit ng cellphone sa bahay. Gusto lang nila puro ka lang trabaho na walang humpay, halos hindi ka na pahingahin. Swerte ka kung ang amo mo ay mabait at payagan kang gumamit ng cellphone kahit oras ng trabaho.

Ang trabaho ng DH ay hindi pare-parehas, minsan tagaluto ka lang o tagalaba. Pero kadalasan lahat sayo ang trabaho sa loob ng bahay. Nanjan ung ikaw ang taga linis, taga luto, taga plantsa lalo na kung ikaw lang mag-isang katulong sa bahay. Minsan kaw pa taga bantay ng Bata kung may maliit na anak ang iyong amo. Babangon ka sa umaga maghanda ng pagkain ang amo kasi papasok sa trabaho. Pagkatapos maglilinis na ng bahay habang tulog pa ang mga Bata o ang iyong alaga. Pag-oras  ng pasukan ng mga bata hinto na naman sa paglilinis para asikasuhin ang pagpasok nila. Hatid sa paaralan at susunduin kung labasan na. Tapos laba naman pagkatapos.

Ganyan ang buhay ng mga Domestic Helper sa ibang bansa. Minsan para maibsan ang ating kalungkutan cellphone ang ating nagiging libangan sa ating sarili. Kuha ng mga litrato na masaya na nakangiti, mga pasyalan na magaganda kaya akala ng pamilya natin sa Pilipinas ang sarap ng buhay natin dito sa abroad. Ang hindi nila alam sa likod ng mga masasayang litrato ay kalungkutan, pangungulila sa mga mahal sa buhay lalo na sa mga anak na naiwan sa Pilipinas.
 Ang akala ng karamihan ang salitang abroad ay mapera, kukumustahin ka, ang kasunod ay uutang pala. Kapag hindi napautang sasama ang loob, kesyo madamot, nagiging mayabang na dahil kumikita na ng riyal ang hindi nila alam kami ay tipid na tipid sa aming mga sarili dahil bawat sahod ay pinapadala sa pamilya sa pinas halos lahat pinapadala makita lang natin na masaya at nabibili nila ang mga gusto nila. Ang tanging natitira ay resibo lamang. Kaya iyong mga taong akala nila madali ang buhay sa abroad try nyo po mangibang bansa para malaman ninyo kung ano ang dinadanas na hirap naming mga DH sa aming mga amo.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels