Foods and Travel Guide

How to win over Homesick?



Bakit nga ba nararanasan nang isang OFW ang homesick. Marami sa mga nagtatarabaho bilang OFW ang nahihirapang mapagtagumpayan ito. Iba't -ibang aspeto ng buhay kung bakit madalas ay nararanasan ito nang isang malayo sa pamilya. Maging ang taong single ay hindi exempted sa emotion na ito.

Ang homesick ay pagkawalay sa pamilya o magulang na siyang itinuturing na kasama natin kapag tayo'y nasa sariling bansa. Madalas naalala natin ang kanilang pagkalinga, pag-aasikaso at higit sa lahat pagmamahal. Mahirap mag-isa sa panahong may karamdaman tayo, ang tanging nagagawa lang natin ay dasal o dili kaya'y umiyak kapag tayo'y nagpapahinga. Sa paraang ito naiibsan ang ating karamdaman nang kalungkutan. Minsan sadyang hindi ito madaling gawin.

Anong paraan nga ba ang puwede nating gawin?
Una, importanteng maging positibo.Ang pagpopokus sa ating mga ginagawa ay malaking tulong upang hindi tayo makapag-isip nang mga malulungkot na bagay. At isa pa tutulong ito upang maging masaya tayo sa ating ginagawa.

Ikalawa, huwag magtelebabad sa pagtawag. Ngunit wag naman kalimutan makipag-usap. Gumawa nang mga bagay kung san makakapagfocus palagi, tulad nang paano magiging productive sa loob nang kumpanya.

Ikatlo, panatilihin ang ugnayan tulad kapag day off kamustahin sila at maging masaya yung usapan huwag puro malulungkot tulad nang salitang"sana umuwi kana","sana nandito ka","naiiyak ako dito". Ito kasi minsan ang dahilan kung bakit kinokontrol nang ating isipan ang ating emotion.

Ikaapat, mahalaga din humanap nang mga bagong kaibigan na puwedeng makasama kapag magrerelax. O kaya magiging katakana,kakuwentuhan. Huwag makipagbarkada kundi tamang oras lang sa mga kasama.

Ikalima, humanap nang mapaglilibangan, tulad nang pagbabasa, panunuod nang movies, pag-eehersisyo ito'y malaking tulong upang maisip natin ang ating dahilan kaya't lumayo tayo sa kanila.

Ikaanim, siyempre sa araw nang sahod huwag kakalimutang  itreat ang sarili tulad nang pagkain sa labas o kaya'y pagbili nang mga gustong damit at mga bag.

    Ilan ito sa mga paraan upang maiwasan natin ang kalungkutan. Minsan ang pagkahomesick ay nagdudulot din nang stress o depresyon sa isang tao.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels