Foods and Travel Guide

What are the priorities of a OFW?




Priority o Kagustuhan?
   Marami sa atin ang nagsasakrispisyo upang matugunan ang mga pangangailangan nang ating pamilya o maging sa kung ano ba talaga ang puwede nating maging hangarin sa buhay. Kapag tayo ay nasa abroad marami tayong naiisip na mga panagarap at mga gustong bilhin sa perang ating pinaghirapan. Hindi na rin natin minsan naiisip kung san napupunta ang ating perang pinaghirapan basta ang pinakamahalaga ay mabigyan kasiyahan natin  ang ating mga mahal sa buhay. Ganyan ang mga OFW priority palagi ang kapakanan nang pamilya. Ngunit minsan nakakalimutan na ang mahalagang salik nang ating dahilan kung  bakit tayo nagsusumikap.
     Naitanong mo na ba sa sarili mo kung "ano ang plano ko?" Ano kaya ang mangyayyari pagkatpos nang aking kontrata? Sapat na ba ang aking ipon? Ilan ito sa mga katanungan na dapat nating isaalang-alang kapag tayo ay nasa abroad. Marami sa atin na hindi na ito naiisip. Ngunit dapat natin itong isaisip lalot napakabilis gastusin nang pera sa sobrang mahal nang bilihin ngaun at patuloy na pangangailangan nang tao.

    Ano ba ang priority? Ito ang pangunahing kailangan sa buhay tulad nang pagkain, damit,tirahan,  gamot at edukasyon nang ating pamilya lalo na ang ating mga anak. Sa bawat priority natin mahalaga din ang wasting budget upang matugunan ang lahat nang ito. Lalo na ang halaga nang mga ito ay may kamahalan.  Hindi rin madali ang pagbabudget kahit na ang ating OFW ay hirap din sa  dahilang mataas lang ang palitan pag ipinadala sa pinas ang ating salapi ngunit sa totoo lang sa bansang mismong pinagtatrabahuan ay mataas din ang tinatawag na  cost of living.

    Ano ang kagustuhan lamang? Ito naman ang ninanais lang natin ngunit hindi pangunahing kailangan, tulad nang mamahaling gadget, tv, at mga inaanunsyo sa media na pawang mga pansamantalang nagbibigay kasiyahan. Kasama na rin dito ang paglilibot sa magandang tanawin. Wala naman masama sa mga ito, ngunit minsan ito ang dahilan nang kapos na budget at kapag nakasanayan na nagiging dahilan na maisip ang kinabukasan.

    Mahalaga na dapat laging isaisip ito nang isang OFW ang kanyang mga priority sa buhay.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels