Foods and Travel Guide

What are the most successful way to fight stress?



Hamon sa Trabaho nang OFW
    Pagod,puyat, stress madalas ang nararamdaman nang mga OFW. Dahil sa trabaho din sanhi din ito nang mga stress. Ang stress ay dahilan  din para ang isa ay hindi  makapahinga ng maaus,pangunahin na sa trabaho ang pagkakaroon nang di pagkakaunawaaan sa trabaho lalo na sa mga lider at maging sa kapwa katrabaho.Kaunting tensyon lang dahilan na upang bumagal ang ginagawa nang isa  at mawala sa mood.
Bawat isa sa atin  ay may kanya-kanyang katangian kaya ang mga ugali din ang dahilan  nang di pagkakaunawaan, kaya kung tayo ay nasa malayong lugar napakahalagang irespeto at i-manage ang ugali ng isang tao.

     Paano nga ba ang dapat gawin? At bakit napakahalaga ng bagay na ito? Anu-ano ang mga bagay isaalang-alang?

1.)Maging mapagpasensya. Napakahalagang katangian ito sa mga ngtatrabaho  upang maapdali ang paglutas sa  napakaliit na problema  sa lider  at kasamahan. Kung kaunting salita na di maganda ay huwag ng nang magsalita upang  ito ay hindi humaba.Kung humingi  ng dispensa sayo ito ay tanggapin nalang.

2.)Makinig bago sumagot.Madami sa atin madaling mag-init ang ulo. Huwag makipagsigawan kahit  alam mong mali  ang nagawa sayo.  Ikalma ang sarili at kumibo kung nasa kondisyon at ipaliwanag ang nasa loob ng damdamin.

3.) Huwag Makipagtsismisan. Marami sa ating mga katrabaho ang madalas  pag-usapan ang buhay-buhay ng ibang tao.  Sa una pawang pampalipas lang ito.Ngunit di mo namamalayan, nakadargdag lang ito sa iyong  iniisip at sadyang hindi nakakatulong. Sanhi din ito ng pagtatalo madalas.

4.) Ugaliing magpokus sa ginagawa. Huwag makialam sa ginagawa nang iba. Magpokus kung ano ang iniatas na trabaho sayo. Huwag ikumpara ang trabaho mo sa kanila.

5.) Magkaroon ng  sapat na pahinga. Madaling mag-init ang ulo kung walang sapat na tulog. Wala ka din  kondisyon magtrabaho kung ikaw ay puyat. Kaya tandaan na dapat ay matulog, kumain ng sapat kung ikaw ay papasok sa trabaho.

    Ang  mga salik na ito ay makakatulong para maiwasan ang stress sa trabaho.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Labels